Thursday, January 3, 2019

Patungo sa Mateknolohiyang Pagunlad

Sa panahon ngayon, mapabata o matanda man ay gumagamit na ng mga makabagong teknolohiya gaya ng mga gadgets na nagbibigay daan sa karunungan at kung ito ay ginamit sa hindi magandang paraan, marahil distraksyon ang kanyang dala. Sa buwan ng Nobyembre ipinagdiriwang ang EsP month na may temang "Mapanuring Paggamit ng Gadget Tungo sa Mapagkailangang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa" upang magbigay gabay sa mga estudyante para sa tamang paggamit ng gadget.


Ang paggamit ng gadget ay isa sa mga paraan upang mapadali ang pagpasok ng kaalaman sa ating isipan. Ito ay ang ating katulong patungo sa pagpapaunlad ng ating sarili  at sa relasyon natin sa pamilya at sa ating kapwa pero kapag ito ay nagamit sa maling paraan, ito ay maaaring maging hudyat ng pagbagsak ng ating kinabukasan.

Ang kaalamang ating mahuhugot sa mga gadget na ating ginagamit ay ang magiging daan kung saan ang karunungan ay ang ating gabay patungo sa tamang landas at sa tamang ugnayan sa mga taong nakapaligid sa atin.

No comments:

Post a Comment