Thursday, January 3, 2019

Kamay ng Pagaaruga

Pagaaruga, ano ba talaga ang kanyang halaga? Pagaaruga, paano ko ba nadarama? Hindi ko mabatid na ang mga katanungang iyan ang sumagi sa aking isipan habang nakikita ko ang aking tatay, nanay at ang aking mga kapatid na nagaruga sa akin noon. Sila ang nagsilbing gabay sa akin para marating ang aking narating kayat sa taong ito sa buwan ng Nobyembre ipinagdiriwang ang Children's month na may temang "Isulong: Tamang Pagaaruga para sa mga Bata".
 
Ang buwan ng Nobyembre ang nagsisilbing paalala na ang bawat bata ay may karapatang makadama ng tamang pagaaruga mula sa kanilang pamilya at sa kanilang mga kapwa. Ang pagaarugang mula sa puso at sa kamay ng mga taong nakapaligid sa kanila ay ang magsisilbing tagahulma kung sino siya sa hinaharap. Ang tamang pagaaruga ay magsisimula sa mga magulang na kung saan ang bawat bata ay malusog at nakakatanggap ng sapat na atensyon mula sa kanila. Ang pagiging malusog ng isang bata ay makakatulong sa kanila upang maiwasan ang anumang uri ng mga sakit at ang pagbibigay ng sapat na atensyon ay para maipadama ang kanilang pagmamahal sa kanila maliban sa pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan.

Ang pagaaruga ay mahalaga na maipadama ng bawat magulang sa kanilang mga anak habang sila ay lumalaki. Ang kanilang pagaaruga ang gagabay sa kanila at huhubog sa kanila para maharap ang bawat pagsubok sa kanilang buhay na kanilang haharapin.

No comments:

Post a Comment